Home HOME BANNER STORY PBBM, tututok sa pangmatagalang solusyon sa pagbabago ng buhay ng mga Pilipino...

PBBM, tututok sa pangmatagalang solusyon sa pagbabago ng buhay ng mga Pilipino – Cayetano

1
0

MANILA, Philippines – Prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghahanap ng pangmatagalang solusyon sa mga problema ng bansa upang makapaghatid ng tunay na pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.

Ito ang tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Lino Cayetano sa panayam ng mga myembro ng Malacañang Press Corps nitong Biyernes.

“Madali ho yung pangmadalian na solusyon. Madali maglabas ng quote. Ang PCO pwede maglabas ng quote card every day mula sa ating Pangulo. But our President wants to see results,” ani Cayetano.

Ayon kay Cayetano, nais ng Pangulo na ayusin ang mga sistema sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino, kabilang ang kalusugan, pabahay, ekonomiya, at presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Gusto niya (Pangulong Marcos) magbaba ng pangmatagalang solusyon sa mga problema. Across different agencies. Doon sa mga pinaka-kinakailangan ng ating mga kababayan,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Cayetano na mahalaga ang malinaw na pagpapaliwanag sa publiko tungkol sa mga programa ng pamahalaan upang mas maunawaan ng mga mamamayan ang mga ginagawa nito.

Gayunman, higit sa pagpapaliwanag, layunin ng Pangulo na makamit ang mga konkretong resulta at pangmatagalang solusyon na magpapabuti sa buhay ng mga Pilipino. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here