Home HOME BANNER STORY P50M pabuya, inalok sa pag-aresto kay Sen. Bato

P50M pabuya, inalok sa pag-aresto kay Sen. Bato

4
0

MANILA, Philippines – Nag-alok si Interior Secretary Jonvic Remulla ng ₱50 milyon na pabuya para sa ikadarakip ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na itinuturing na ngayong armado at mapanganib.

“As of today, Sen. Bato will be considered armed and dangerous. We are placing a bounty of P50 million for his capture,” pahayag ni Remulla sa press briefing sa Camp Crame nitong Biyernes.

Naglabas ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban kay Dela Rosa dahil sa umano’y pananagutan niya bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) noong panahon ng madugong kampanya kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagtago si Dela Rosa matapos siyang muling magpakita sa Senado noong Mayo.

Ayon kay Remulla, sa Nobyembre ay isang taon na mula nang maglabas ang ICC ng arrest warrant laban kay Dela Rosa kaugnay ng umano’y kriminal na pananagutan nito sa mga pagkamatay na naganap sa ilalim ng kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here