Home NATIONWIDE PCO, palalakasin presensya sa mga komunidad para mas maipaliwanag mga programa ng...

PCO, palalakasin presensya sa mga komunidad para mas maipaliwanag mga programa ng pamahalaan

3
0

MANILA, Philippines – Nais ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano na mas ilapit ang ahensya sa mga mamamayan upang mas maipaliwanag ang mga programa at pagbabago ng pamahalaan.

“I think the PCO also needs to focus on being on the ground, being in universities, being in barangays, being in communities with you,” ani Cayetano sa panayam ng mga mamamahayag sa Malacañang.

“Mahalaga rin na nakakaharap natin ‘yung mga kababayan natin,” dagdag ni Cayetano.

Ayon kay Cayetano, nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas maraming opisyal ng Gabinete ang direktang nakikipag-usap sa mga mamamayan, nakikinig sa kanilang mga pangangailangan, at nagpapatupad ng mga proyekto sa mga komunidad.

Sinabi rin ng PCO chief na patuloy na inaayos ng pamahalaan ang mga sistema at proseso nito sa nakalipas na mga taon at inaasahang mas makikita ang mga resulta sa mga susunod na buwan.

Nais din ni Cayetano na palakasin ang ugnayan ng PCO at ng media upang mas malinaw na maipaliwanag sa publiko ang mga programa at reporma ng pamahalaan.

Hinimok naman ni Cayetano ang mga mamamahayag na makipagtulungan sa PCO sa susunod na 18 buwan upang matiyak na mas madaling mauunawaan ng mga Pilipino ang mga impormasyon at serbisyong inilalabas ng pamahalaan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here