Home ENTERTAINMENT Ian, nagbawas ng luho, may na-realize!

Ian, nagbawas ng luho, may na-realize!

1
0

Manila, Philippines – Sinabi noon ng magaling at simpatikong aktor na si Ian Veneracion na nagbagoang kanyang pananaw sa buhay mula nang sumapit siya sa edad na 40.

Mula sa dating paghahangad ng mas maraming materyal na bagay, mas pinipili na niya ngayon ang simple, praktikal at mas makabuluhang pamumuhay.

“As you grow older, you get to realize that what matters are the simple things in life,” bungad niya.

Hirit pa niya, masaya at kuntento raw naman siya sa kanyang naging desisyon.

“I’m happy with my choice. The simpler, the better,” pakli niya.

Kung dati-rati, nakatuon siya sa tinatawag na “addition” o pagkakaroon ng mas maraming sasakyan, damit at iba pang bagay na materyal na nagbibigay sa kanya ng kaginhawahan at kasiyahan, ngayon iba na raw ang kanyang mindset.

Mas pinili na raw niya ang magbawas ng mga luho at alisin ang mga bagay na hindi na niya tunay na kailangan.

Kasabay nito, naging mas maingat din si Ian sa pangangalaga sa kanyang katawan at kalusugan.

Mas binibigyang-prayoridad niya ang sapat na tulog, tamang pagkain at pahinga.

Malinaw din sa aktor kung ano ang mas mahalaga sa kanya ngayon.

“Mas binibigyan ko ng prayoridad iyong health ko kesa trabaho,” diin niya.

Pati ang kanyang social circle ay dumaan na rin sa pagbabago. Mas naging mapili siya sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan at nakakasama.

Sa kanyang career naman, hindi na siya basta-basta tumatanggap ng proyekto kung pakiramdam niya ay hindi ito makabubuti sa kanya o magdadala lamang ng negatibong enerhiya.

Bagama’t binawasan niya ang mga materyal na luho, hindi naman niya tinalikuran ang kanyang hilig sa adventure at physical activities.

Patuloy pa rin niyang nae-enjoy ang extreme sports tulad ng paragliding, skydiving at motorbiking.

Ngayon, mas mahalaga rin kay Ian ang paggamit ng kanyang oras para sa mga bagay at taong tunay na mahalaga sa kanya—lalo na ang kanyang pamilya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here