Home HOME BANNER STORY Pagkukumpuni, fun runs, iba pang events suspendido para sa ASEAN Summit –...

Pagkukumpuni, fun runs, iba pang events suspendido para sa ASEAN Summit – MMDA

4
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang sususpindihin ang mga roadworks, fun runs, motorcade, prusisyon at iba pang pampublikong aktibidad bilang paghahanda sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Director Victor Nunez, magsisimula sa Nobyembre 1 hanggang hatinggabi ng Disyembre 23 ang suspensiyon ng mga roadworks, kabilang ang mga paghuhukay.

Hiniling ni Nunez sa mga utility company at Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin ang kanilang mga proyekto bago matapos ang Oktubre upang maiwasan ang abala sa publiko.

Samantala, mula Oktubre 24 hanggang Nobyembre 20 ipagbabawal ang mga fun run, motorcade, prusisyon at iba pang pampublikong aktibidad sa mga itinalagang ASEAN roads. Ito ay kasunod ng kahilingan ng National Organizing Council ng ASEAN.

Kabilang sa mga lungsod na pangunahing maaapektuhan ang Manila, Pasay, Parañaque, Makati at Taguig. Maglalabas pa ang MMDA ng mga abiso habang papalapit ang summit. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here