Home METRO Helper utas, drayber sugatan sa pagtaob ng trak sa Quezon

Helper utas, drayber sugatan sa pagtaob ng trak sa Quezon

1
0

QUEZON, Philippines – Patay ang isang 24-anyos na truck helper habang sugatan ang driver at isa pang helper matapos tumaob ang kanilang truck dahil umano sa brake failure sa bypass road sa Barangay Villa Arcaya, Gumaca, Quezon, noong Huwebes.

Ayon sa Quezon police nitong Biyernes, Oktubre 23, nangyari ang aksidente dakong alas-7:10 ng umaga habang binabagtas ng truck ang pababang kurbadang bahagi ng kalsada.

Karga ng truck ang 200 plastic crates na naglalaman ng tinatayang 1,200 buhay na manok nang mawalan umano ng kontrol sa preno ang 36-anyos na driver. Lumihis ang sasakyan sa kalsada at bumangga sa gilid nito bago tumaob.

Malubhang nasugatan ang driver at ang dalawang helper at agad na isinugod ng mga lokal na rescuer sa ospital. Gayunman, idineklarang dead on arrival ang isa sa mga helper. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here