Home METRO P367,200 tobats nasabat sa Dipolog

P367,200 tobats nasabat sa Dipolog

3
0

DIPOLOG CITY, Philippines – Arestado ang isang high-value drug suspect matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱367,200 sa isang joint buy-bust operation sa Barangay Miputak, Dipolog City, noong Martes ng gabi, Oktubre 20.

Ayon kay Police Lt. Col. Shellamie Chang, information chief ng Police Regional Office 9 (PRO-9), isinagawa ang operasyon dakong alas-9:49 ng gabi sa Purok Mahogany.

Pinangunahan ito ng Regional Drug Enforcement Unit 9 (RDEU-9), katuwang ang Dipolog City Police Station, 901st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 9, at Zamboanga del Norte 1st Provincial Mobile Force Company.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang suspek ay kinilalang high-value individual at residente ng Daang Lungsod, Katipunan, Zamboanga del Norte. Naaresto siya matapos umanong magbenta ng ilegal na droga sa isang undercover operative.

Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 54 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱367,200. Dinala ang mga nakumpiskang droga sa Zamboanga del Norte Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri sa laboratoryo.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Dipolog City Police Station habang inihahanda ang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni Police Brig. Gen. Elmer Ragay, direktor ng PRO-9, ang mga operatiba at sinabing magpapatuloy ang kampanya ng pulisya na nakabatay sa intelligence laban sa ilegal na droga sa buong Zamboanga Peninsula. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here