Home HOME BANNER STORY ALAMIN: Mga alternatibong ruta sa pagsasara ng ilang kalsada sa paligid ng...

ALAMIN: Mga alternatibong ruta sa pagsasara ng ilang kalsada sa paligid ng Manila North Cemetery mula Okt 30 – Nob. 3

3
0

MANILA, Philippines – Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta dahil isasara ang ilang kalsada sa paligid ng Manila North Cemetery sa Blumentritt mula Okt. 30 hanggang Nob. 3 para sa Undas.

Naglabas ang Manila Police District (MPD) ng listahan ng mga isasarang kalsada bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng trapiko at mga bibisita sa Manila North Cemetery at mga kalapit na memorial park.

Kabilang sa mga apektadong kalsada ang kahabaan ng Blumentritt Street, mula A. Bonifacio hanggang Aurora Boulevard; Dimasalang Road, mula Retiro Street hanggang Calavite Street; at Maceda Street, mula Makiling Street hanggang Dimasalang Street.

Apektado rin ang northbound lane ng Dimasalang Bridge, kanto ng Aurora Boulevard at Leonor Rivera, at kanto ng Blumentritt Road at Leonor Rivera.

Ipatutupad ang sumusunod na rerouting scheme:

– Mga sasakyang mula Dimasalang Road na dadaan sana sa Blumentritt Road ay maaaring kumanan sa Simon Street patungo sa kanilang destinasyon.
– Mga sasakyang mula Quezon City via A. Bonifacio Avenue ay kailangang kumaliwa sa Labo Street.
– Mga sasakyang mula Maceda Street na patungong Dimasalang Street o Retiro Street ay pinakakanan sa Simon Street.
– Mga sasakyang mula Aurora Boulevard na patungong Dimasalang Street ay maaaring kumanan sa Leonora Rivera Street.
– Mga sasakyang mula Blumentritt Road na patungong Aurora Boulevard ay dapat kumanan sa Leonor Rivera Street.

Ang abisong ito ay bahagi ng traffic management strategy ng lungsod para sa Undas 2026 upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here