Home METRO Barangay captain patay, ama, isa pa kritikal sa hinuhukay na lupa

Barangay captain patay, ama, isa pa kritikal sa hinuhukay na lupa

3
0

CAGAYAN, Philippines – Patay ang isang Barangay Captain habang ang kanyang ama at isa pang mister ang nasa kritikal na kondisyon matapos umanong ma-suffocate sa ilalim ng hinuhukay na lupa sa Sitio Paribalat, Barangay Dungeg, Sta. Teresita, Cagayan.

Kasama ni Barangay Captain Fernando Tibuc ng Barangay Villa ang kaniyang ama na si Dionisio at ang isa pang residente na si William Pelaez na-suffocate umano ang tatlo sa lugar kung saan naghukay di umano ang mga ito ng ginto

Bandang alas-4:00 ng hapon nang may matanggap na tawag mula kay SB Member Atty. Orlando Bareng Jr. ang MDRRM Officer na ng Santa Teresita na si Emerson Aleste kung saan ay agad na binuo ang Incident Management Team na binubuo ng Sta. Teresita Police Station, Bureaubof Fire Protection o BFP, MBLT10 at Rescuer 3512.

Dahil sa pahirapan sa pag-ahon sa mga biktima ay humingi na rin karagdagan pwersa ng BFP Special Rescue Force ng rehiyon.

Unang naiahon si Dionisio at agad na dinala sa Alponso Ponce Enrile Memorial District Hospital (APEMDH). Matapos mabigyan ng paunang lunas, nagkamalay umano ito at kalaunan ay inilipat sa Grupo Medico De Dios Hospital para sa karagdagang gamutan.

Samantala, bandang alas-8:00 ng kagabi nang matagumpay na naiahon si kapitan Tibuc. Agad naman siyang isinugod sa pinakamalapit na ospital habang isinasagawa ang CPR, subalit idineklara siyang dead on arrival ng attending physician.

Posibleng kakulangan ng hangin sa loob ng hinukay na lupa ang sanhi ng pagkamatay ng nasabing barangay captain. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here