MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa ang trough ng Bagyong Rosal.
Ayon sa PAGASA, ang Batanes, Ilocos Norte, Apayao, at Babuyan Islands ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil dito.
Ang Visayas, Mindanao, Sorsogon, Masbate, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil naman sa ITCZ.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC