Home NATIONWIDE Bus sumalpok sa gilid ng bundok sa Leyte, mga pasahero sugatan

Bus sumalpok sa gilid ng bundok sa Leyte, mga pasahero sugatan

2
0

MANILA, Philippines – Sumalpok sa gilid ng bundok ang pampasaherong bus sa Barangay Liki, Sogod, Southern Leyte nitong umaga ng Sabado, Oktubre 24.

Ayon sa inspektor ng bus, sakay ng bus ng Vallacar Transit ang 24 pasahero at patungo sa Daanbantayan at Cebu City nang mangyari ang insidente.

Nagtamo ng minor injury ang ilang pasahero na agad dinala sa ospital sa Barangay Damolog para gamutin.

Nagtamo naman ng matinding pinsala ang bus sa harap at gilid na bahagi nito matapos tumama sa mabatong gilid ng bundok.

Nasa kustodiya na ng Sogod Municipal Police Station ang drayber kasabay ng imbestigasyon sa sanhi ng pagbangga. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here