MANILA, Philippines – Nasa 41,868 indibidwal mula sa 13,441 pamilya ang apektado ng Super Typhoon Rosal sa Northern Luzon at Bicol region, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa progress report nitong Sabado, Oktubre 24, sinabi ng DSWD na ang mga apektadong populasyon ay mula sa 91 barangay sa Regions II (Cagayan Valley) at V (Bicol Region).
Batay sa report ng Disaster Response Operations Management, Information and Communication (DROMIC) Division, nakita na 125 pamilya o 329 indibidwal ang tumutuloy sa mga kaibigan o kaanak sa labas ng evacuation center.
Wala na ring tumutuloy na mga pamilya sa loob ng evacuation center.
Dagdag pa, wala rin umanong napinsalang tirahan dahil sa bagyo.
Sa kabila nito, mayroong P4.707 bilyong available relief resources sa buong bansa ang ahensya para sumuporta sa disaster response operations.
Binubuo ito ng P4.613 bilyong food at non-food items, at P94.964 milyon sa ilalim ng Quick Response Fund. RNT/JGC