MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang 47-anyos na lasingna lalaki ng undayan ng sunod-sunod na saksak ang isa sa mga kainumang kapitbahay matapos mapikon umanosa pakikipag biruanhabang nagtatagayan sa Malabon City, Biyernes ng gabi.
Sa imbestigasyon nina PMSg Michael Oben at P/SSg Bengie Nalogoc ng Investigation Section ng Malabon police, nangyari ang insidente sa Talabahan St. Brgy Baritan alas-11:40 ng gabi habang nag-iinuman ang magkakapitbahay.
Nagatalo umano ang biktimang si alyas Rommel, 43, at alyas Bayot nang magkapikunan na dahilan upang sumugodang suspek at inundayan ng magkakasunod na saksak ang biktima na nagawa namang makailag.at maka alis.
Nagsumbong ang biktima sa mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission na nagresulta sa pagkakadakip kay “Bayot” at pagkakakumpiska sa kalawanging patalim na ginamit sa pananaksak sa kapitbahay.
Mahaharap sa reklamong attempted homicide ang suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. Merly Iral/Rene Manahan