Manila, Philippines – Marapat lang na i-address ng kampo ni Kathryn Berbardo o ng nobyo niyang si Lucena City Mayor Mark Alcala ang iniulat ng isang online portal tungkol umano sa
kanilang breakup.
Ayon sa HotShowbizPH, three months na daw hiwalay ang magnobyo.
Ginawa nitong basis ang talakayan ng mga hosts ng Showbiz Now Na na sina Cristy Fermin at Romel Tsika.
Maging sila’y nagtatanong kung sina Kathryn at Mark pa ba.
Wala kasing mga paayuda ang mga ito.
Ang paayudang tinutukoy ng SNN ay ang kawalan ng mga ganap tungkol sa magkasintahan tulad ng mga public sightings.
Duda ni Cristy, posibleng may nagpayo sa Kapamilya actress na mag-lay low muna sa pakikipagrelasyon nito sa batang mayor.
Ang naging epekto daw kasi nito’y ang pagtamlay ng career ni Kathryn.
Obyus namang “tinahi-tahi” lang ng nasabing online portal ang ulat nito–and to lend credence to the story ay “ginamit” nito ang diskusyon sa SNN.
Ayon pa sa SNN, wala na din daw balita tungkol sa pagpunta-punta ng aktres sa Lucena City unlike before.
Ani Cristy: “Sabi naman ng mga tagaroon, hindi na daw nagagawi doon si Kathryn–kaya ang tanong na gustong malaman ang sagot, sila pa ba?”
Sinang-ayunan naman ito ni Romel Tsika–wari’y kumbinsidong break na nga ang dalawa.
Idagdag pa ang obserbasyong mukhang hindi gaanong mainit daw ang pagtanggap ng pamilya Bernardo kay Mark.