Home HOME BANNER STORY Tulong ng PCG sa 2 tauhan na pinatay sa Cotabato, tiniyak

Tulong ng PCG sa 2 tauhan na pinatay sa Cotabato, tiniyak

3
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pamilya ng dalawang tauhan nito na nasawi matapos pagbabarilin sa Cotabato City nitong Sabado, Oktubre 24 na maipaabot ang anumang tulong mula sa ahensya.

Kinilala ng PCG ang mga nasawi na sina Seaman First Class Reniel Agpalo at Seaman Second Class Louther Jhon Vitor, na parehong nakatalaga sa Coast Guard Station Maguindanao.

Kabilang ang dalawa sa tatlong tauhan ng PCG na inatake sa Roman Vilo Street noong Huwebes.

Si Agpalo ay idineklarang dead on arrival sa ospital, habang si Vitor na una nang naiulat na sugatan ay kalaunan ay binawian din ng buhay.

Ligtas at hindi nasaktan ang kanilang station commander na si Lt. Cmdr. John Paul Cabarrubias.

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, dalawang hindi pa nakikilalang suspek na nakasuot ng itim na damit at nakatakip ang mukha ang bumaril bago tumakas sakay ng itim na Honda XRM motorcycle.

Wala pa ring karagdagang detalye ang inilalabas ang PCG kaugnay ng imbestigasyon.

Nagpaabot ng pakikiramay ang ahensya sa mga naulilang pamilya at tiniyak na magbibigay ng tulong at suporta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here