MANILA, Philippines – Nakapasa ang nasa 51 pampasaherong bus sa roadworthiness inspection sa mga terminal ng bus sa Maynila, Parañaque at Caloocan City bilang paghahanda sa nalalapit na dagsa ng mga biyahero sa paparating na Undas.
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), nasa kabuuang 52 bus ang ininspeksyon ngunit isa ang bumagsak dahil sa sirang reverse light at plate light, kasama ang expired fire extinguisher.
Inatasan ang drayber na ayusin ang mga depekto at palitan ang expired na fire extinguisher bago makabiyahe.
Samantala, napansin ng LTO ang mababang bilang ng mga pasahero na naghihintay sa designated passenger areas sa ilang terminal.
Noong Sabado, Oktubre 24, nag-inspeksyon ang LTO Law Enforcement Service sa siyam na mga terminal sa Metro Manila. Ito ay ang mga terminal ng:
Santrans
Philippine Rabbit
Five Star
Sta. Lucia
Candon Bus Terminal
Bataan Transit
Genesis
Florida
Dalin
Nitong Linggo naman ay nag-inspeksyon ang LTO sa mga sumusunod na terminal ng bus:
Five Star
First North Luzon Transit
Cisco
Bataan Transit
Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX)
Caloocan City Terminals
Victory Liner
First North Luzon
Five Star
Namahagi naman ang LTO kasama ang tatlong tauhan mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP), ng Information, Education, and Communication (IEC) materials, naglagay ng assistance desk at nagsagawa ng alcohol breath analyzer tests sa dalawang drayber ng bus. RNT/JGC