MANILA, Philippines – Nag-isyu ang lokal na pamahalaan ng Paranaque ng abiso kaugnay sa traffic plan at guidelines sa paparating na Undas sa weekend.
“Planuhin na agad ang biyahe. Sumunod sa ating traffic advisories. Higit sa lahat, mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras,” sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa social media post.
Inilabas din niya ang traffic plan na nagpapakita ng mga kalsadang isasara para sa mga motorista na bibiyahe patungo sa mga pampublikong sementeryo.
“Sa ating paggunita sa ating mga yumaong mahal sa buhay ngayong, narito ang mga gabay at alituntunin na ipapatupad para sa mas ligtas at maayos na pagdalaw sa mga sementeryo,” ayon kay Olivarez.
“Pinapaalalahanan naming ang lahat na maging maingat at alerto sa lahat ng oras upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa,” dagdag pa niya.
Maaari namang tumawag ang mga mangangailangan ng tulong sa hotline numbers ng lungsod:
Landline: 8820-PQUE (7783)
Landline: 911
Mobile phone no.: 09209833252