Home NATIONWIDE NCRPO magpapakalat ng 13K tauhan sa Undas 2026

NCRPO magpapakalat ng 13K tauhan sa Undas 2026

3
0

MANILA, Philippines – Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng nasa 13,084 tauhan upang siguruhin ang kaayusan at kaligtasan sa paggunita sa Undas.

Ayon kay NCRPO Police Lieutenant Colonel Hazel Asilo, ang mga ipakakalat na pulis ay binubuo ng 12,459 tauhan mula sa NCRPO at 625 mula sa regional support units nito.

“Ngayon, nakalatag na ‘yung deployment, ‘yung ating coordination sa ating LGUs. Ganun din ‘yung ating security arrangements para sa mga cemetery, transport terminals, at iba pang lugar na inaasahang dadagsain ng ating mga kababayan,” sinabi ni Asilo sa panayam sa radyo.

Dagdag ni Asilo, wala pa siyang eksaktong bilang ng mga ipakakalat ding tauhan mula sa mga ahensya gaya ng Metropolitan Manila Development Authority, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard.

Naka-heightened alert ang NCRPO at magsisimula sa skeletal deployment simula Oktubre 29 at sasailalim sa full alert status pagsapit ng Oktubre 30. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here