MANILA, Philippines – Hinimok ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Philippine National Oil Company (PNOC) na samantalahin ang pagkakataon para sa bansa na magtatag ng strategic petroleum reserves (SPR) sa pamamagitan ng isang pakikipagtulungan sa Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC).
Ayon kay Gatchalian, interesado ang ADNOC
na magtayo ng ganitong pasilidad sa Pilipinas, na magbibigay sa bansa ng isang pagkakataon na mapakinabangan ang mga reserbang langis kung kinakailangan.
Sinabi niya na handa ang ADNOC na balikatin ang mga pangunahing pangangailangan sa operasyon basta’t may nakalaang angkop na lupa para sa pasilidad.
Isang kumpanyang pagmamay-ari ng estado ng
Abu Dhabi, UAE, ang ADNOC ay isa sa mga pinakamalaking kumpanya ng produksyon
ng langis sa buong mundo.
“Ang PNOC, bukod sa Malampaya cash
flow, ang susunod na asset niya ay lupa. So yung lupa na yun ang pwedeng pagtayuan nitong mga strategic petroleum reserves. So sa PNOC, huwag na tayong mag-dilly-dally. Kasi itong ADNOC ready na,” sabi ni Gatchalian sa isang kamakailang pagdinig sa Senado ukol sa iminumungkahing batas na mag-aamyenda sa
Downstream Oil Deregulation Act of 1998.
“Ang kailangan lang nila lupa, bahala
na sila sa tangke, bahala na sila sa inventory. Nais din nilang lumagda sa isang kasunduan kung saan mayroon tayong right of first refusal. So maganda yun, hulog ng langit yan para sa atin,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ng Senate President na ang
pagtatatag ng isang strategic petroleum reserve ay napakahalaga upang protektahan ang bansa laban sa mga pagkagambala sa suplay ng krudo at sa abago-bagong presyo nito.
Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga nakalaang reserba ng produktong petrolyo, masisiguro ng Pilipinas ang katatagan sa enerhiya at mapapanatili ang establisidad ng ekonomiya sa panahon ng mga pandaigdigang krisis o emergency.
Kamakailan lang ay nagpulong sina atchalian at ang Chair ng Senate Energy Committee na si Senador Erwin Tulfo asama ang mga kinatawan ng ADNOC. Ernie Reyes