Home ENTERTAINMENT Alex, naba-bash sa ginawa sa kasamang private nurse!

Alex, naba-bash sa ginawa sa kasamang private nurse!

2
0

Manila, Philippines – Nurse or nanny?

Ito ang tanong ng mga netizens kung ano nga ba ang papel ng kasa-kasama ni Alex Gonzaga sa tuwing lumalabas sila ni Baby Isaac.

Private nurse o yaya daw ba ng kanyang anak?

Bina-bash kasi ngayon ang misis ni Lipa City Vice Mayor Mikee Morada dahil sa pagpapasuot nito ng uniform sa supposed private nurse

na tauhan.

Lumalabas kasing dahil in uniform ito’y yaya o nanny kung ituring siya ng actress-vlogger.

Obligado ngang naka-uniform ito pag on duty.

Katwiran naman ni Alex, since first-time mom siya, she needs all the help she can get to know her way around.

Nagre-rely daw si Alex sa taong may alam sa pangangalaga ng baby.

May dumepensa naman kay Alex–at least daw, hindi niya minamaltrato ang katuwang niya sa pag-aalaga.

When dining out naman siguro, hindi iba ang puwesto nito’t kinakain kesa kay Alex. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here