Home NATIONWIDE Pahayag ni Remulla sa pag-alis ng kapangyarihan na mag-isyu ng visa, pinalagan...

Pahayag ni Remulla sa pag-alis ng kapangyarihan na mag-isyu ng visa, pinalagan ng DFA

1
0

MANILA, Philippines – PINALAGAN at mariing tinutulan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kamakailang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nagrerekomendang alisin ang kapangyarihan ng departamento na mag-isyu ng VISA at akusasyong ginagawa na umano itong negosyo.

Sinabi ng DFA na ang mga pahayag ng Ombudsman ay nagpapahina sa integridad ng institusyon at panggigipit sa reputasyon ng Philippine Foreign Service at ng mga kawani nito sa buong mundo.

Binigyang-diin ng departamento na ang kanilang mandato sa pag-iisyu ng VISA ay alinsunod sa batas ng Pilipinas at sa international convention tulad ng Vienna Convention on Consular Relations.

“The visa fees collected are pursuant to applicable laws and regulations, including the prescribed Schedule of Fees. The DFA does not tolerate corruption and remains committed to accountability, transparency, and utmost professionalism in the delivery of public service,” ayon sa departamento.

Dagdag din ng DFA, ang pagsusuri at pag-apruba ng VISA ay hindi lamang simpleng administrative process kun’di isang sovereign authority ng estado na ginagampanan ng mga Embassy at Consulate.

Tiniyak naman ng DFA na ang lahat ng singil sa VISA ay nakabatay sa umiiral na regulasyon at nananatiling nakatuon sa transparency, accountability at public service.

“These responsibilities require the exercise of official judgment pursuant to the applicable Philippine laws, rules and regulations, and cannot be reduced to just the administrative receipt and processing of documents,” ang sinabi pa rin ng DFA. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here