Home NATIONWIDE Duterte camp tinutulan recorded testimonies ng 2 ICC witness

Duterte camp tinutulan recorded testimonies ng 2 ICC witness

9
0

MANILA, Philippines – Tinutulan ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng prosecution na tanggapin ng International Criminal Court (ICC) ang naunang recorded testimonies ng dalawang testigo nang hindi na sila personal na humarap sa korte.

Sa dokumentong may petsang Oktubre 26, hiniling ng defense sa ICC Trial Chamber III na ibasura ang aplikasyon para sa prior recorded testimonies ng mga testigong kinilalang P-1393 at P-1416.

Giit ng kampo ni Duterte, dapat humarap nang personal ang dalawang testigo, o sumailalim sa paraang magbibigay pa rin ng pagkakataon para sa cross-examination, dahil mahalaga umano ang kanilang testimonya sa kaso.

Ayon sa defense, may mga bahagi ng testimonya ni P-1393 na nakabatay umano sa impormasyong mula sa ibang tao at may mga sinasabi rin silang inconsistencies na kailangang masuri sa cross-examination.

Samantala, sinabi ng defense na may mga pagkakaiba rin umano sa account ni P-1416 kumpara sa ibang testimonya hinggil sa isang insidenteng kabilang sa prosecution evidence.

Hindi naman tumutol ang kampo ni Duterte sa paggamit ng prior recorded testimony ng isa pang witness na kinilalang P-1370.

Sinabi ng defense na suportado nito ang paggamit ng Rule 68 upang mapabilis ang paglilitis, ngunit iginiit na hindi dapat maisantabi ang karapatan ng akusado na epektibong maipagtanggol ang sarili.

Ang prosecution ay nauna nang humiling na tanggapin bilang ebidensya ang recorded testimonies ng ilang testigo sa crimes against humanity case laban kay Duterte.

Nakatakdang magsimula ang trial sa Nobyembre 30, 2026.

Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga alegasyon sa war on drugs. Nanatili siyang nakakulong sa ICC Detention Center sa The Hague habang nagpapatuloy ang proceedings. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here