NUEVA ECIJA, Philippines – Naghatid ng saya at tuwa sa mga bata, kasama ang kanilang mga magulang at kapatid, ang pagbubukas ng Christmas display sa dalawang mall sa Cabanatuan City.
Bukod sa 35 talampakang Christmas tree at life size na Balerina statue na sumasayaw ay nagkaroon din ng pagkakataong makapagpa-picture ang mga chikiting kay Santa Clause at iba pang Christmas charaters.
Nagpakitang gilas sa pagsasayaw ang mga kabataang na nagbigay inspirasyon sa mga bata na napasayaw pa habang sila ay pinanood.
Ayon sa pamunuan ng mall, magkaibang tema na “A Symphony of Sparkles” at “An Elf-Tastic World of Sparkles” ang kanilang inilunsad para mas magbigay ng kakaibang Christmas experience sa mga bata at kanilang pamilya.
Nagpasalamat ang LGU ng Cabanatuan dahil muli na namang nabuhay ang Paskong Pilipino na punô ng pag-ibig, pagbibigayan, pag-asa, pagkakaisa, at masasayang pagsasama.
“Very much compliant in terms ofsa operation side, sa lahat po even sa safety. Lahat kami even the marketing team and the operations team, everyone in the malls make sure that every SM Mall is a very special or a safe place to go to. So all year round po ‘yan, like every single day we do mall rounds to make sure na yung even electrical wirings are safe. Yun, so in terms of safety, wala po tayong pag-aalala sa SM,” sabi ni Lerina G. Medina, asst. vice president for marketing.
“Palaging magningning ang ating mga puso sa kabutihan at malasakit sa isa’t isa. Maraming salamat po sa SM City Cabanatuan for bringing the magic of Christmas closer to our fellow Cabanatueños and for creating a place where families can gather, friends can reconnect, and everyone can share the joy and warmth of the holiday season,” sabi naman ni Fanny Posada, kinatawan ng LGU Cabanatuan City.
“As we welcome this beautiful Christmas display, may it also remind us of the importance of sharing our blessings, extending kindness to those in need, and keeping the true spirit of Christmas alive in our homes and in our, and in our community,” dagdag niya.
Ang Christmas display ay magtatagal hanggang sa Enero sa susunod na taon. (MARINA BERNARDINO-SY)