Home NATIONWIDE Guro, nagsampa ng reklamong pang-aabuso vs kinakasamang pulis

Guro, nagsampa ng reklamong pang-aabuso vs kinakasamang pulis

4
0

QUEZON CITY, Philippines – Nagsampa ng reklamong administratibo ang isang guro mula Mindanao laban sa kanyang live-in partner na isang police corporal na nakatalaga sa Camp Crame, dahil sa umano’y paulit-ulit na pang-aabuso sa loob ng halos siyam na taon, ayon sa National Police Commission (Napolcom) nitong Martes.

Kinilala lamang sa alyas na “Ma’am” ang guro na naghain ng reklamo sa tanggapan ng Napolcom Central Office sa Quezon City.

Ayon sa komisyon, sisimulan nito ang kaukulang administratibong proseso laban sa pulis dahil sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Nangako rin ang Napolcom ng masusing imbestigasyon at pagsunod sa due process.

“We will not tolerate any form of violence against women. To those experiencing abuse, please do not allow yourselves to be hurt, even if it happens for the first time,” ani Napolcom Commissioner Rafael Vicente Calinisan.

Binigyang-diin ni Calinisan na dapat managot ang mga pulis sa mga alegasyon ng pang-aabuso, kabilang ang mga insidenteng kinasasangkutan ng kanilang mga kinakasama o asawa.

Hinimok din ng nagreklamong guro ang iba pang babaeng nakararanas ng karahasan na magsalita at humingi ng tulong.

“To all the battered women out there, it is time to step forward. Do not endure this any longer,” pahayag niya.

“Do not wait until you lose your sanity, your dreams in life, or everything you have worked so hard for. Do not wait for someone who is not even worthy to destroy you,” dagdag niya.

Samantala, humingi ng paumanhin ang pulis sa kanyang mga ginawa at hinimok ang kapwa niya pulis na huwag tularan ang kanyang halimbawa.

“If you feel hurt or upset, just pray instead. To everyone, I sincerely apologize for the mistake I have made,” aniya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here