Home NATIONWIDE Libreng medical services sa Filipino Elderly Week isinagawa ng DOH

Libreng medical services sa Filipino Elderly Week isinagawa ng DOH

3
0

MANILA, Philippines – ‎Nagbigay ng Libreng medical services at community celebrations ang Department of Health (DOH) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Elderly Week sa buong rehiyon ng Ilocos.

‎Una nang nagsagawa ang DOH Regional Office katuwang ang DOH Wellness Clinic, Robinsons La Union, Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) at Provincial DOH Office ng one-day health caravan na nakapaglingkod sa mahigit 209 senior citizens.

‎Sa caravan, 192 senior citizens ang nabakunahan kontra pneumonia, 209 ang sumailalim sa non-communicable disease (NCD) at PhilPEN screenings, habang 48 ang nabigyan ng laboratory examinations. Namahagi rin ng libreng gamot sa 93 pasyente ang on-site pharmacy.

‎Bukod sa serbisyong medikal, nagsagawa rin ang DOH Health Promotion Unit ng cultural celebration sa Tagudin, Ilocos Sur noong Oktubre 14, 2026. Katuwang ang Provincial Health Office at lokal na pamahalaan, idinaos ang “The Search for Ginto ng Tagudin 2026: Lolo and Lola Edition” — isang pagdiriwang na nagbigay-pugay sa talino, talento at kontribusyon ng mga nakatatanda at nagsulong ng aktibo at malusog na pagtanda.

‎Mula sa bakuna sa La Union hanggang sa pagdiriwang sa Ilocos Sur, iisa ang mensahe ng DOH Ilocos Region: nararapat ang mga senior citizen sa marangal, accessible at holistic na pangangalaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here