Home ENTERTAINMENT Regine, kinabahan sa old pic nila ni Mang Gerry!

Regine, kinabahan sa old pic nila ni Mang Gerry!

1
0

Manila, Philippines – Nilukuban ng kaba si Regine Velasquez sa na-sight na lumang litrato ng yumaong ama’t manager na si Mang Gerry.

Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ng Asia’s Songbird ang larawan ng ama noong buhay pa ito.

Kuha ‘yon sa isang photo op.

Mapapansing maikli ang buhok ni Regine at very young-looking.

Kaya pala siya kinabahan, dahil inakala daw niyang si Nate (their son) ang nasa photo–at hindi siya.

Kuwento ni Regine: “Nakita ko ‘tong picture na ‘to isang araw. It was on a table, far away from me…”

Nang mga sandaling ‘yon daw ay may kausap siya, hindi nga lang niya maalala kung sino.

Pero marami daw tao sa bahay nila: “Akala ko si Nate. Kinabahan ako, paano nangyari ‘yon? I kept looking at the picture and it really looked like Nate!”

Regine recalled that when Mang Gerry passed away ay nasa 1 or 2 years old pa lang si Nate: “Baby pa, I can’t remember. So how can he have a picture with his lolo at his age then?”

Kinabahan man, Regine wished: “It would have been nice to see this sa totoong buhay. Thank you Lord for showing me what a great gift it could have been. Happy birthday, Papa…”

October 16 ang kaarawan ng ama ni Regine. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here