Home NATIONWIDE DOLE, naglabas ng bagong safety protocols vs. init sa gitna ng El...

DOLE, naglabas ng bagong safety protocols vs. init sa gitna ng El Niño

3
0

MANILA, Philippines – ‎Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng bagong alituntunin para protektahan ang mga manggagawa laban sa matinding init dulot ng El Niño.

‎Sa Labor Advisory No. 20, Series of 2026 na nilagdaan ni Secretary Francis Tolentino noong Oktubre 27, inatasan ang lahat ng pribadong employer na magsagawa ng Hazard Identification, Risk Assessment, and Control (HIRAC) kaugnay ng heat stress, at isama ito sa kanilang OSH programs at emergency plans.

‎Kailangan ding subaybayan ng mga employer ang El Niño advisories at heat index forecast ng PAGASA, at tiyaking may malinis na pasilidad, buong SSS coverage, at talaan ng mga sakit na may kaugnayan sa init.

‎Nakasaad din sa advisory ang heat index-based guidelines:

· ‎27°C–32°C (Caution): Dapat may malinis na inuming tubig, malilom na pahingahan, at training sa heat stress at first aid.
· ‎33°C–41°C (Extreme Caution): Kailangang may regular rest at hydration breaks, cooling zones, protective gear, at first-aiders na may cooling packs.
· ‎42°C–51°C (Danger): Ipatupad ang flexible work arrangements.
· ‎52°C pataas (Extreme Danger): Agad na ihinto, i-reschedule, o ilipat ang trabaho kung hindi na ligtas.

‎Ayon sa DOLE, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa sa gitna ng Super El Niño. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here