MANILA, Philippines- Bibisita sa Naypyidaw sa Myanmar si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro, na kasalukuyang nagsisilbing special envoy ng ASEAN sa naturang bansa.
Ayon sa Thai counterpart nito, si Lazaro ay bibisita sa nasabing bansa ngayong araw hanggang bukas, Oktubre 29.
Sinabi ni Thai Foreign Minister Sihasak Phuangketkeow na ang itinerary nito “is being worked out,” at wala pang agarang indikasyon kung makikipagkita si Lazaro kay detained former democratic leader Aung San Suu Kyi. RNT/JGC