Home IN PHOTOS 3 bus company, ipatatawag ng DOTr sa problema sa terminal

3 bus company, ipatatawag ng DOTr sa problema sa terminal

4
0

MANILA, Philippines – Ipatatawag ng Department of Transportation (DOTr) ang tatlong bus company matapos matuklasan ang mga problema sa kanilang mga pasilidad sa Maynila.

Sa pag-iikot ni DOTr Secretary Vince Dizon, nakita niyang walang comfort room ang ilang bus terminal sa Sampaloc, kaya napipilitang gumamit ang mga pasahero ng palikuran sa katapat na gasolinahan.

May isa ring terminal na walang suplay ng tubig, habang sa isang bus terminal sa Sta. Cruz ay sinisingil umano ang mga pasahero sa paggamit ng comfort room.

Iginiit ni Dizon na dapat libre ang paggamit ng mga palikuran sa mga bus terminal. Aniya, kailangang unahin ang kapakanan ng mga pasahero at tiyaking komportable sila sa kanilang biyahe.

Patuloy na iniinspeksiyon ni Dizon ang mga bus terminal bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Undas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here