Home METRO 9 PUV driver sa CALABARZON, nagpositibo sa drug test

9 PUV driver sa CALABARZON, nagpositibo sa drug test

4
0

LAGUNA, Philippines – Siyam na public utility vehicle (PUV) driver ang nagpositibo sa ilegal na droga sa sorpresang random drug test na isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang bahagi ng paghahanda sa dagsa ng mga biyahero ngayong Undas.

Ayon kay LTO Calabarzon Regional Director Elmer Decena, apat sa 100 driver na sinuri sa Batangas City Grand Terminal ang nagpositibo.

Dalawa naman sa 100 driver sa San Pablo City, Laguna, at tatlo sa 100 driver sa Antipolo City, Rizal, ang nagpositibo rin sa pagsusuri.

Kabilang sa mga sumailalim sa drug test ang mga operator at driver ng bus, jeepney, van at tricycle.

Pansamantalang pinagbawalan sa pagmamaneho ang mga nagpositibo habang hinihintay ang kumpirmatoryong drug test.

Ayon kay Decena, babawiin ng LTO ang lisensya ng mga driver kung magpositibo rin sila sa ikalawang pagsusuri. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here