Home METRO Pagtugon sa bomb threats sa mga paaralan, paiigtingin ng PNP

Pagtugon sa bomb threats sa mga paaralan, paiigtingin ng PNP

3
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga territorial police unit at iba pang yunit ng pulisya na repasuhin ang kanilang mga pamamaraan at palakasin ang kakayahang tumugon sa mga bomb threat.

Layunin ng hakbang na matiyak na napapanahon ang mga protocol at kakayahan ng pulisya sa pagtugon sa nagbabagong mga banta sa seguridad. Kung kinakailangan, magbibigay rin ang PNP ng karagdagang espesyal na pagsasanay upang mapahusay ang kahandaan ng mga tauhan sa pagresponde at pag-iimbestiga.

“We must ensure that our bomb threat protocols evolve with the threats we face. Our response must be swift, our personnel well-trained, and our investigative capabilities strong enough to identify those responsible and prevent similar incidents,” ani Nartatez.

Kasunod ito ng dalawang insidente ng bomb threat sa malalaking unibersidad sa Metro Manila na nagresulta sa paglikas ng mga estudyante at suspensiyon ng klase. Nakatanggap din ng kahalintulad na banta ang ilang paaralan sa mga probinsiya nitong mga nakaraang buwan.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may kaugnayan ang ilan sa mga insidente upang matukoy kung magkakahiwalay lamang ang mga ito o bahagi ng mas malawak na pattern. Sa Batangas, dalawa katao ang naaresto kamakailan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa mga bomb threat laban sa hindi bababa sa dalawang paaralan sa lalawigan.

Binigyang-diin ni Nartatez ang agarang pagsusuri sa seguridad at koordinadong pagkilos tuwing may naiuulat na posibleng banta.

“Every bomb threat must be treated with urgency and investigated thoroughly. We will establish the facts, determine whether these incidents are connected, and hold those responsible accountable under the law,” ani Nartatez.

“Our priority is to protect lives and ensure that our schools remain safe for students and personnel,” dagdag niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here