MANILA, Philippines – Sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 22 indibidwal sakay ng nasiraang motorbanca na Ocean’s Wanderer matapos itong mawalan ng propulsion, humigit-kumulang pitong nautical miles mula sa Coron Bay, nitong Nobyembre 19, 2026.
Ayon sa PCG, nakatanggap sila ng distress report at agad na nagpadala ng search and rescue team sakay ng MBCA Super RR.
Ligtas na nailipat ang lahat ng 22 pasahero, crew members, at kapitan ng bangka.
Hinila rin ang distressed banca patungong Port of Coron kung saan ligtas silang dumating sa pantalan.
Lahat ng nasagip — na binubuo ng mga Filipino at foreign nationals — ay nasa maayos na kondisyong pisikal at tinulungan makabalik sa kanilang mga accommodation.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagka-engine failure ang bangka dahil sa nasirang rope link na nakakabit sa propeller shaft. Jocelyn Tabangcura-Domenden