Home METRO 14 wanted, arestado sa manhunt ops sa CARAGA

14 wanted, arestado sa manhunt ops sa CARAGA

3
0

CARAGA, Philippines – Arestado ang 14 na wanted person, kabilang ang dalawang kabilang sa most wanted list sa antas ng lungsod at munisipalidad, sa magkakaugnay na operasyon ng pulisya sa Caraga noong Lunes.

Ayon kay Police Regional Office 13 (PRO-13) director Brig. Gen. Rolindo Suguilon, nahuli ang mga suspek na nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal.

Sa Butuan City, limang suspek ang inaresto, kabilang ang ikaapat na most wanted ng lungsod na kinilala sa alyas na “Majur.” May warrant of arrest ito dahil sa paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Inirekomenda ang piyansang P200,000.

Sa Surigao del Sur, limang suspek din ang nadakip, kabilang ang ikaapat na most wanted sa talaan ng Hinatuan Municipal Police Station. Ang suspek na alyas “Dalin” ay wanted sa kasong estafa, na may inirekomendang piyansang P20,000.

Samantala, tatlong pugante ang naaresto ng Agusan del Norte Police Provincial Office, habang isa naman ang nahuli ng Agusan del Sur provincial police.

Pinuri ni Suguilon ang mga pulis na lumahok sa operasyon at sinabing patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng PRO-13 na mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa rehiyon.

“I applaud our personnel on the ground for their unwavering commitment to their sworn duty of upholding the law,” ani Suguilon.

“These accomplishments are a testament to our continued efforts to ensure a safe and peaceful Caraga,” dagdag niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here