Home METRO Cavite nanguna sa pinakamadaming nakumpiskang ilegal na droga sa CALABARZON

Cavite nanguna sa pinakamadaming nakumpiskang ilegal na droga sa CALABARZON

3
0

CAVITE, Philippines – Nanguna ang lalawigan ng Cavite sa dami ng nakumpiskang ilegal na droga sa Calabarzon kasunod ng sunod-sunod na operasyon kontra droga sa loob ng isang linggo.

Ayon sa Police Regional Office 4A, umabot sa 703.77 gramo ng ilegal na droga ang nasamsam sa Cavite sa isinagawang mga operasyon.

Sa buong Calabarzon, nakapagsagawa ang mga awtoridad ng 225 drug operation sa loob lamang ng isang linggo, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 274 katao.

Ayon kay PBGen. Dominic L. Baccay, kabuuang 993.5 gramo ng shabu, 29.51 gramo ng marijuana at 10 kilo ng high-grade marijuana na kilala bilang Kush ang nakumpiska sa rehiyon.

Tinatayang P6,774,764 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang droga sa buong Calabarzon.

Pumangalawa ang Laguna na may 157.01 gramo ng nakumpiskang droga, sinundan ng Rizal Police Provincial Office (PPO) na may 51.49 gramo, Batangas PPO na may 41.54 gramo at Quezon PPO na may 39.69 gramo.

Nakatakdang dalhin sa Crime Laboratory ang mga nakumpiskang droga para sa forensic examination. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here