Home OPINION ISAULI KAYA P300 MILYON?

ISAULI KAYA P300 MILYON?

2
0

MAY ilang nagulat sa biglaang ‘swapping’ ng posisyon nina Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon at Department of Transportation Secretary Giovanni ‘Banoy’ Lopez na inanunsyo nitong Lunes.

Ayon sa ilang miron, “inilalayo” sa kontrobersya si Sec. Vince ngayon pa lang dahil isa siya sa “napipisil” na makasama sa ‘lineup’ ng administrasyon sa Senado sa 2028. Mainam nga naman na ngayon pa lang ay maiwasan na tuluyang masira ang ano mang kredibilidad mayroon siya dulot ng hindi masawatang korapsyon at kapalpakan sa DPWH.

Sinasabi rin na “bata” niya si Secretary Banoy na ‘Usec. for Admin and Finance’ sa una niyang termino sa DOTr kaya patuloy na dalawa pa rin ang kanyang “tabakuhan,” ang DPWH at DOTr, hehehe!

Pero alam kaya ni Secretary Vince na may isang opisyal sa isang ‘line agency’ ng DOTr na AYAW ang kanyang pagbalik sa pwesto? Kung hindi pa ito alam ni Sec. Vince, alam na niya ngayon, hehehe.

Sa nalaman kasi natin, may ilang buwan na ngayon na “umiikot” itong si Mr. DOTr Official upang mapalitan si Sec. Banoy—pero hindi si Sec. Vince ang gusto niya, wahhh!

Ayon pa sa mga miron, bago ang “rigodon” nina Dizon at Lopez, tila “magbubunga” na ang operasyon ng nasabing opisyal— patunay ang umano’y halos P300 milyon nitong nakolekta sa ‘players’ ng ahensya na gusto niyang lipatan.

Malakas ang loob ng kolokoy dahil kahit umano ang pangalan ni ‘First Lady’ ay kanyang ginagamit sa kanyang kampanya– “siya” na ang bagong “bosing” sa target na ahensya at HINDI si Sec. Vince ang bagong DOTr Secretary, ganern?

At syempre, ang nalikom na kwarta ay hindi para sa kanya, bagkus, para sa ‘charity projects’ (daw) ng Unang Ginang kaya ang tanong, may nakarating naman kaya?

At ngayon ngang nasira ang lahat ng kanyang plano at “kamada,’ may balak kaya siyang isauli ang P300 milyon bilang patunay na isa siyang maginoo at taong may prinsipyo?

O… maghabol na kayo sa “Tambol Mayor”, ahahay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here