Home OPINION PISONG BAGSAK = BAGSAK NA BUHAY-PINOY

PISONG BAGSAK = BAGSAK NA BUHAY-PINOY

1
0

NAKAPANININDIG-BALAHIBO ang mabilis na pagbagsak ng halaga ng piso dahil kakambal nito ng mabilis ding pagbagsak ng buhay ng mga Filipino.

Habang tinitipa ito, lagpas na sa P64 ang halaga ng bawat dolyar ng United States at may mga nagsasabing maaaring aabot sa P65 na lamang ang halaga nito laban sa dolyar sa katapusan ng Disyembre 2026.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, noong 2018 na baseline o simula ng pagkukumpara ng halaga ng piso laban sa dolyar, nasa P52.42 ang katumbas ng isang US dollar noon.

Dahil sa pagbagsak ng piso sa nasa P63.50 bago nitong mga nagdaang araw lamang, sinasabing bumaba ang halaga nito sa nasa P73-74 na lamang at kung aabot sa P65 ang palitan sa dolyar, magiging mas mababa pa ang halaga ng piso sa Kapaskuhan.

Alam ba ninyo ang pagbagsak ng halaga ng piso bilang pambili?

Kapag may hawak kang P1,000 noong 2018, P1,000 din ang katumbas ng kalahating kabang bigas kung tig-P2,000 ang isang kaban.

Ngayong nasa P73 na lang ang halaga ng iyong P1,000 noong 2018, bawas na ng kulang-kulang sa P300 ang at katumbas ito ng 6 kilong bigas kung nasa P50 ang isang kilo.

Hindi nakapagtataka na ang presyo ng kalahating kabang bigas ngayon ay P1,300 at kung P1,000 lang ang dala mo, babawasan ‘yan ng kalahating 25 kilo ng 6 na kilo.

Katumbas ‘yang 6 kilo, mga brad, ng nasa 5-6 araw na kanin ng pamilyang binubuo ng 5 katao.

Alam na alam ng pamahalaan na bumabagsak ang piso at ang masamang bunga nito sa buhay ng mga mamamayan at dapat manguna ang Palasyo at Kongreso sa pagsawata nito.

Ngunit may nararamdaman ba kayong mga pagkilos ang Pangulo at Gabinete o mga kalihim niya at mga senador at kongresman laban sa mga problemang nabanggit na nakasasama sa lahat?

Hindi ba ‘yang pagsibak sa pwesto kay VP Sara ang higit nilang pinagkaabalahan? Pesteng yawa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here