Home METRO 2 NPA patay, armas nasamsam sa E. Visayas

2 NPA patay, armas nasamsam sa E. Visayas

6
0

TACLOBAN CITY – Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkuwentro sa Dolores, Eastern Samar, habang mga armas at anti-personnel mine naman ang narekober sa hiwalay na operasyon sa Northern Samar, ayon sa militar.

Sinabi ng 52nd Infantry Battalion na nakasagupa ng mga sundalo ang mga umano’y rebelde sa liblib na bahagi ng Barangay Jicontol, Dolores nitong madaling araw ng Oktubre 28.

Dalawang hinihinalang rebelde ang nasawi sa operasyon habang dalawang high-powered firearms ang narekober.

Ayon sa militar, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente hinggil sa presensya ng mga armadong grupo na umano’y nagpaplanong magsagawa ng extortion activities sa farming communities.

Sinabi rin ng militar na nakaharap ng mga tropa ang fortified positions na umano’y protektado ng anti-personnel mines, dahilan upang gumamit ng air at artillery support.

Ayon kay Lt. Col. Sandy Sereño, commanding officer ng 52nd IB, layunin ng supporting firepower na malusutan ang depensa ng grupo habang binabawasan ang panganib sa mga sundalo at sibilyan.

Samantala, sa hiwalay na operasyon noong Oktubre 26, narekober ng 19th Infantry Battalion ang dalawang M16 rifles at isang anti-personnel mine mula sa nakatagong arms cache sa Barangay Osmeña, Las Navas, Northern Samar.

Ayon sa militar, natunton ang lugar matapos magbigay ng impormasyon ang isang dating miyembro umano ng Eastern Visayas Regional Party Committee na sumuko sa mga awtoridad.

Patuloy namang nagsasagawa ng koordinasyon at dialogue ang militar sa mga residente sa mga lugar na naapektuhan ng mga operasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here