Home NATIONWIDE Marikina mayor, Rep. Marcy, nag-inspeksyon sa mga sementeryo bago Undas

Marikina mayor, Rep. Marcy, nag-inspeksyon sa mga sementeryo bago Undas

1
0
📷 Danny Querubin

MARIKINA CITY – Ininspeksyon nina Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro at Marikina First District Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro ang mga sementeryo sa lungsod nitong Huwebes, Oktubre 29, bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga bibisita ngayong Undas.

Binisita ng dalawa ang Loyola Memorial Park, Barangka Municipal Cemetery, Aglipay Cemetery, Holy Child Cemetery at Our Lady of the Abandoned Cemetery upang tiyakin ang kalinisan, kaayusan at kahandaan ng mga lugar.

📷 Danny Querubin

Kasama rin sa inspeksyon ang mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at iba’t ibang tanggapan ng City Hall upang masiguro ang seguridad at emergency response measures.

“Bago ang pagdagsa ng mga tao sa ating mga sementeryo rito sa Marikina, tiniyak natin na malinis ang mga sementeryo, at handa ang ating teams para ligtas ang mga bibisita,” ani Mayor Maan.

Nauna nang minobilisa ng alkalde ang Ligtas na Undas Task Force para sa cleaning at clearing operations, deployment ng security at emergency personnel, at traffic at crowd management.

Magpapatupad din ang lokal na pamahalaan ng one-way eastbound traffic scheme sa A. Bonifacio Avenue at Sumulong Highway mula alas-6 ng umaga ng Oktubre 31 hanggang 12:01 ng madaling araw ng Nobyembre 2.

Pinaalalahanan din ang publiko na sundin ang cemetery rules at huwag magdala ng mga ipinagbabawal na gamit gaya ng baril, matutulis na bagay, alcoholic beverages at gambling paraphernalia. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here