Home NATIONWIDE Road safety tips, ipinaalala ng HPG sa Undas

Road safety tips, ipinaalala ng HPG sa Undas

6
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (HPG) sa mga motorista na tiyakin ang kaligtasan sa kalsada ngayong Undas 2026 kasabay ng inaasahang pagdami ng mga biyahero.

Ayon kay HPG chief Police Brig. Gen. Joyce Patrick Sangalang, 761 HPG personnel ang ikakalat sa buong bansa upang tumulong sa traffic management, highway security at assistance sa mga motorista.

Susuportahan sila ng 586 force multipliers, habang ide-deploy din sa field ang administrative personnel dahil naka-full alert ang HPG.

Pinaalalahanan ang mga motorista na magparada sa maliwanag at ligtas na lugar, tiyaking naka-lock ang mga pinto at bintana ng sasakyan, at huwag iwan ang susi sa loob ng kotse o motorsiklo.

Inirekomenda rin ang paggamit ng anti-theft devices gaya ng steering-wheel locks, motorcycle handlebar locks, alarms at GPS trackers.

Bago bumiyahe, dapat ding suriin ang battery, ilaw, preno, gulong, makina at fuel supply ng sasakyan upang maiwasan ang aberya at aksidente.

Pinaalalahanan din ang mga driver na huwag magmaneho kapag inaantok, lasing o nasa ilalim ng impluwensiya ng ilegal na droga.

Ayon sa HPG, umabot sa 118,600 road crash incidents ang naitala mula Enero hanggang Oktubre 15 ngayong taon.

Pinakamarami rito ang iniuugnay sa overspeeding na may 37,000 insidente, kasunod ang overtaking, self-accidents, drunk driving, paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at mechanical factors.

Pinakamaraming sasakyang sangkot sa road crashes ang motorsiklo na umabot sa 57,700 insidente.

Nakapagtala rin ang HPG ng 3,816 nasawi dahil sa road crashes sa parehong panahon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here