Home METRO Magnitude 5.6 lindol tumama sa Surigao del Sur

Magnitude 5.6 lindol tumama sa Surigao del Sur

6
0

SURIGAO DEL SUR – Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang karagatan sa Surigao del Sur nitong Huwebes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang lindol alas-3:31 ng hapon, may layong 164 kilometro hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, at may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro at Tandag City, Surigao del Sur.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala mula sa lindol ngunit posible ang mga aftershock. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here