Home HOME BANNER STORY Undas Exodus sa NLEX, asahan sa Biyernes ng hapon

Undas Exodus sa NLEX, asahan sa Biyernes ng hapon

6
0
Remate File Photo

MANILA, Philippines – Inaasahan ng NLEX Corporation ang pagdagsa ng mga motorista patungong hilaga simula Biyernes ng hapon, Oktubre 30, kasabay ng pag-uwi sa mga lalawigan para sa Undas 2026.

Ayon kay NLEX Corporation AVP for Traffic Operations Robin Ignacio, posibleng magsimula ang mabigat na northbound traffic pagsapit ng early afternoon ng Biyernes at magpatuloy hanggang gabi.

Inaasahan ding muling dadami ang mga sasakyan mula madaling araw hanggang hapon ng Sabado.

Sa ngayon, sinabi ng NLEX na mabilis pa rin ang daloy ng trapiko, partikular sa northbound lanes.

Tinatayang tataas ng 3% hanggang 5% ang traffic volume mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 kumpara sa normal daily average.

Gayunman, maaaring lumampas sa 20% ang pagtaas ng hourly traffic volume sa mga oras na pinakamarami ang bumibiyahe.

Nag-deploy na rin ang NLEX ng humigit-kumulang 1,500 personnel, kabilang ang toll tellers, patrol teams, security personnel, traffic marshals at incident response teams, bilang paghahanda sa dagsa ng mga motorista ngayong Undas. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here