Home NATIONWIDE Ex-aide ni Bernardo, nakita si Jinggoy sa paghahatid ng mga kahon

Ex-aide ni Bernardo, nakita si Jinggoy sa paghahatid ng mga kahon

3
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng prosecution witness nitong Huwebes, Oktubre 29 na nakita niya si Senador Jinggoy Estrada nang maghatid siya ng 12 kahon dito.

Ito ang testimonya ni Vergel Nino Garcia, dating aide ni state witness at ex-Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Roberto Bernardo, sa hearing para sa bail petition na inihain ni Estrada kaugnay sa P573 milyong plunder case laban sa kanya.

Sangkot sa kaso ang pagtanggap umano ni Estrada ng mga kickback.

Ani Garcia, sa paghahatid niya ng 12 kahon para kay Estrada sa Artiaga Building sa San Juan City noong Nobyembre 2024, nakita niya si Estrada sa kaparehong lugar na nakasuot ng t-shirt, pants, at leather shoes.

Hindi naman nakita ni Garcia kung ano ang laman ng kahon na inihatid niya batay sa utos ni Bernardo.

Matapos ang paghahatid ay tinawagan umano niya ni Bernardo para sabihin na naihatid na ang mga kahon.

Sa nasabing delivery, sinabi rin ni Garcia na sinamahan ito ng drayber ni Bernardo na si Francisco dela Fuente.

Bukod kay Estrada, sinabi ni Garcia na naghatid din siya ng mga kahon kina dating senador Bong Revilla, dating Public Works secretary Manuel Bonoan (15 boxes), at pumanaw na dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral (isang kahon at isang paper bag) at dating Education undersecretary Trygve Olaivar (walong maleta at 15 kahon).

Sa pagtatanong ng depensa, sinabi ni Garcia na hindi ito nakakuha ng litrato o video sa paghahatid.

Isang araw bago rito, sinabi ni Bernardo na nagkaroon ng apat na delivery ng commitments o kickback kay Estrada mula 2024 hanggang 2025.

Ani Bernardo, mahirap para sa kanya na ituro si Estrada na inakusahan niyang tumanggap ng mga kickback na mula sa mga proyekto ng gobyerno.

“During that time [of my first affidavit], I have no confirmation, I have no solid evidence that will prove [his involvement]. I have already in [my] mind that he is a proponent [of projects], but I have to confirm [first],” sinabi ni Bernardo.

“Ang hirap po ipahamak ang kaibigan. Hindi ko po kaagad magagawa iyon. Kailangan may solid evidence po,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here