Home NATIONWIDE Visayas grid isinailalim sa red, yellow alert

Visayas grid isinailalim sa red, yellow alert

2
0

MANILA, Philippines – Isinailalim sa red at yellow alert ang Visayas grid ngayong Biyernes, Oktubre 30 dahil sa kulang na suplay ng kuryente sa unavailability ng ilang power plant.

Sa abiso, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isasailalim sa red alert status mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Samantala, nasa yellow alert naman ang Visayas grid mula alas-3 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon, at mula alas-7 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.

Kasalukuyang nag-ooperate ang Visayas grid sa 2,359 megawatts (MW) capacity laban sa peak demand na 2,536 MW, dahil nananatiling unavailable ang 782.2 MW sa grid.

Nag-ambag ang mga sumusunod na dahilan sa pagdedeklara ng red at yellow alert:

Unavailability ng malalaking coal plants ng Visayas na TVI 1, TVI 2, at KSPC 1
Limited power imports mula sa Mindanao grid, dahil sa unavailability (planned outage) ng GNPK 4 at TSI 2

Idinagdag pa na ang walong planta ay naka-forced outage ngayong Oktubre, dalawang planta mula Setyembre, dalawa mula Agosto, isang planta mula Hunyo, tatlong planta mula Mayo, tatlong planta mula 2025, isang planta mula 2024, dalawang planta mula 2023, at isang planta mula 2021, habang 20 planta ang tumatakbo sa derated capacity.

Iniisyu ang red alert status kapag limitado ang suplay ng kuryente para matugunan ang demand at regulating requirement ng grid.

Dahil dito ay inaasahan ang malawakang power interruptions o rotational brownout. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here