SPAIN – Kabilang ang isang Filipino sa sugatan sa banggaan ng tren sa Spain na kumitil sa buhay ng 68 katao, ayon sa Philippine Embassy in Madrid.
“As of this time, we have verified information of one Filipino national who sustained [a] minor injury and was brought to a hospital for medical attention,” saad sa pahayag.
Hindi na sinabi ng embahada ang pangalan ng biktima o kasalukuyang kondisyon.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesperson Analyn Ratonel na nitong Huwebes, Oktubre 29, ay namahagi ang embahada ng tulong sa pamilya ng mga turistang Pinoy na nasangkot sa banggaan sa Urda, Toledo.
Samantala, hinimok din ng embahada ang mga hindi makontak na kaanak na sakay ng tren sa Madrid-Andalusia line na makipag-ugnayan sa Renfe family helpline sa +34 900101020 o 24-hour hotline nito na +34 616491861.
Ang Renfe ang state railway operator ng Spain. RNT/JGC