Home METRO Bilang ng pasahero sa PITX, lampas 1M bago Undas

Bilang ng pasahero sa PITX, lampas 1M bago Undas

4
0

PARAÑAQUE CITY, Philippines – Umabot na sa mahigit isang milyon ang bilang ng mga pasaherong dumaan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) habang maagang umuuwi ang mga biyahero sa kanilang mga probinsiya para sa paggunita ng Undas 2026.

Batay sa datos ng PITX hanggang alas-11 ng umaga nitong Biyernes, Oktubre 30, nasa 70,275 ang bilang ng mga pasaherong dumaan sa terminal sa araw na iyon.

Dahil dito, umabot sa 1,001,500 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong dumaan sa PITX mula Linggo, Oktubre 25, hanggang Biyernes, Oktubre 30.

Inaasahan ng pamunuan ng PITX na aabot sa hindi bababa sa 200,000 ang pasaherong gagamit ng terminal kada araw ngayong weekend. Mas mataas ito ng 15,000 hanggang 20,000 kumpara sa karaniwang bilang ng mga pasahero kada araw.

Sa datos ng PITX nitong Biyernes ng umaga, Bicol ang may pinakamataas na booking rate sa mga destinasyon, na nasa 61.70 porsiyento na ng kapasidad. Sinundan ito ng Mindoro na may 41.67 porsiyento at mga biyahe pa-Hilagang Luzon na may 33.88 porsiyento.

Para naman sa Oktubre 31, nangunguna pa rin ang Bicol na may 58 porsiyentong booking rate. Nasa humigit-kumulang 25 porsiyento naman ang booking rate para sa mga biyahe pa-Hilaga, Visayas at Mindanao, at Mindoro.

Mayroon pa ring available na tiket para sa mga biyaheng patungong Laguna, Batangas at Quezon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here