Home NATIONWIDE Trade deficit ng Pinas, lumobo sa $5.15B noong Setyembre

Trade deficit ng Pinas, lumobo sa $5.15B noong Setyembre

4
0
Ang mga manggagawa sa Atlas Super Flags sa Sta. Cruz, Manila ay abala na sa pagbuburda at pagtahi ng bandila, Biyernes Mayo 22, 2026, bago ang National Flag Day.Noong Mayo 28, 1898, itinaas ang watawat ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon sa Imus, Cavite matapos talunin ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa pamumuno ni Gen. Emilio Aguinaldo ang mga pwersang Espanyol sa Labanan sa Alapan. ERIC OCAPAN

MANILA, Philippines – Patuloy na lumaki ang trade deficit ng Pilipinas noong Setyembre 2026 matapos mas mabilis ang paglago ng imports kumpara sa exports, batay sa paunang datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes.

Umabot sa $5.15 bilyon ang diperensya ng halaga ng exports at imports, mas mataas nang 10.3 porsiyento kumpara sa $4.67 bilyong trade deficit noong Setyembre 2025.

Naitala ang imports sa $15.03 bilyon, tumaas ng 25.7 porsiyento mula sa $11.95 bilyon noong nakaraang taon. Bagama’t lumago rin ng 35.6 porsiyento ang exports sa $9.87 bilyon mula sa $7.28 bilyon, nanatili itong mas mababa kaysa imports.

Ayon sa PSA, ang $15.03 bilyong halaga ng imports ang pinakamataas na naitala mula nang magsimula ang serye ng datos noong 1991.

Pinakamalaking ambag sa pagtaas ng imports ang electronic products na nagkakahalaga ng $2.70 bilyon. Sinundan ito ng mineral fuels, lubricants at kaugnay na produkto na tumaas ng $687.02 milyon, at cereals at cereal preparations na nadagdagan ng $98.36 milyon.

Pinakamalaking pinagmulan ng mga inaangkat na produkto ang Republic of Korea na may $3.92 bilyon o 26.1 porsiyento ng kabuuang imports. Kabilang din sa nangungunang suppliers ang China na may $3.36 bilyon (22.3%), Indonesia na may $994.43 milyon (6.6%), Japan na may $952.13 milyon (6.3%) at United States na may $744.66 milyon (5%).

Samantala, umabot sa $9.87 bilyon ang exports, na pinakamataas din mula noong 1991. Pinakamalaking nag-ambag dito ang electronic products na nagkakahalaga ng $2.89 bilyon, kasunod ang electronic equipment at parts na nadagdagan ng $64.41 milyon, at gold na tumaas ng $59.52 milyon.

Pinakamalaking destinasyon ng exports ang United States na may $2.63 bilyon o 26.6 porsiyento ng kabuuang exports. Sinundan ito ng Hong Kong na may $1.55 bilyon (15.7%), China na may $1.12 bilyon (11.3%), Vietnam na may $785.15 milyon (8%) at Japan na may $619.17 milyon (6.3%).

Umabot naman sa $24.90 bilyon ang kabuuang external trade ng bansa, o pinagsamang imports at exports. Mas mataas ito nang 29.5 porsiyento kumpara sa $19.24 bilyon noong Setyembre 2025.

Ayon sa PSA, ito rin ang pinakamataas na kabuuang external trade na naitala mula nang magsimula ang serye ng datos noong 1991. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here