Home OPINION GULO SA PARIS AT US-IRAN WAR, MAGKAIBA

GULO SA PARIS AT US-IRAN WAR, MAGKAIBA

3
0

HINDI kaagad dapat sabihing rebelyon o panloob na hidwaan ang sanhi ng kaguluhan sa Paris, France kung walang sapat na beripikasyon mula sa mga awtoridad o mapagkakatiwalaang ulat.

Nakaaapekto sa mga protocol ng gobyerno at mga naiipit na overseas Filipino workers kung magpadadala tayo sa mga maling akala na wala kumpirmasyon mula sa mga kinauukulan.

Hindi ganoon kadali para sa Department of Migrant Workers ang paglikas sa mga apektadong OFW dahil iba ang sitwasyon kagaya sa nangyayari ngayon sa Paris, France kaysa sa giyera ng US at Iran.

Malaki ang kaibahan ng operasyon sa pagliligtas na ginawa ng DMW sa OFWs sa Paris, France ngayon. Ang kilos nito at tinitiyak munang maayos ang kalagayan ng ating mga kababayan sa nasabing lugar, inaalam kung kailangan ba ng agarang tulong, makapagbigay ng malinaw at napapanahong impormasyon sa kanilang mga pamilyang nasa Pilipinas.

Ipinangako ni Secretary Hans Leo Cacdac na maidaraos ng kanyang tanggapan ang nararapat na hakbang para maibsan ang pag-aalala ng mga Pilipinong apektado sa mga nangyayaring kaguluhan.

Narito ang mga hakbang na ginawa ng DMW para sa kaligtasan ng mga OFW:
1. Patuloy na monitoring — Sinusubaybayan ng DMW at mga embahada ang kalagayan ng mga Pilipino sa mga lugar na apektado ng protesta.

2. Bukas na communication at assistance lines — Maaaring makipag-ugnayan ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong sa mga kinauukulang tanggapan.

3. Mga paalala sa kaligtasan — Pinapayuhan ang mga Pilipino na umiwas sa mga lugar ng protesta at malalaking pagtitipon, sumunod sa mga tagubilin ng lokal na awtoridad, at huwag magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon.

4. Kahandaan sa evacuation at repatriation — Ayon sa kalihim ng DMW, nakahanda ang pamahalaan na tumulong sa paglikas o pagpapauwi sa mga Pilipino kung kinakailangan.

Sa panahon ng kaguluhan sa Paris, hindi sapat ang sabihing minomonitor ng DMW ang sitwasyon. Mahalaga ring malaman ng publiko kung paano maaabot ang tulong, ano ang dapat gawin ng mga OFW kapag nanganganib, at ano ang mga pamantayan para sa posibleng evacuation o repatriation.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here