Home NATIONWIDE Pagbubukas ng Super Health Center sa Davao City, pinuri ni Bong Go

Pagbubukas ng Super Health Center sa Davao City, pinuri ni Bong Go

1
0

DAVAO CITY, Philippines – Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga lokal na opisyal at health workers sa pagbubukas ng Tibungco Super Health Center sa Barangay Tibungco, na layong ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga residente.

Dumalo si Go sa blessing at turnover ng pasilidad noong Martes, Oktubre 27, kasama ang mga lokal na opisyal at residente.

Matatagpuan ang Barangay Tibungco sa Bunawan District, bahagi ng 2nd Congressional District ng Davao City. Ayon kay Go, mahalaga ang pasilidad dahil malayo ang lugar sa mga ospital at nahihirapan ang mga residente na makakuha ng serbisyong medikal dahil sa distansya at trapiko.

“Kaning proyektuha, dugay-dugay na ni nga atong gi duso sauna kay ako man ang Chairman sauna sa Committee on Health for six years. Proyekto ni siya sa DOH tapos iturn-over na sa LGU, kay mayor ug kay Dra. Rubio. Sila na’y magdala ani, sila na’y mu-provide og mga gamit, personnel, mga doctor ug uban pa,” aniya.

(Itong proyekto na ito, matagal tagal na nga ito 2023 pa dahil ako ang chairman ng Committee on Health for six years. Proyekto ito ng DOH tapos na turnover na sa LGU, kay mayor at Dra. Rubio, sila na ang mamamahala nito at sila magpo-provide ng gamit at iba pa personnel at mga doctor.)

Ipinaliwanag niyang proyekto ito ng Department of Health (DOH) na ipinasa na sa lokal na pamahalaan upang ito na ang mamahala at maglaan ng mga kagamitan, tauhan at doktor.

Binigyang-diin ni Go ang pagtutulungan ng DOH at mga lokal na pamahalaan upang matiyak na magiging operational at tutugon sa pangangailangan ng komunidad ang mga Super Health Center.

“Pag nagtinabangay ang DOH ug LGU, mao na, mahimong operational ang atong mga Super Health Centers… nalipay sad ko nga gibutangan og mga Super Health Centers sa mga strategic areas sama sa Tibungco. Ang Tibungco, layo baya ni sa ospital,” dagdag niya.

(Kapag nagtulungan ang DOH at LGU, magiging operational ang ating mga Super Health Center… masaya ako na nilagyan ng mga Super Health Center sa mga strategic areas kagaya sa Tibungco. Ang Tibungco, napakalayo pa naman nito sa hospital.)

Nagbibigay ang Super Health Centers ng pangunahing serbisyong medikal, konsultasyon at maagang pagtukoy sa mga sakit, partikular sa mga komunidad na kulang sa serbisyong pangkalusugan.

Sa ilalim din ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), maaaring makakuha ang mga kwalipikado at rehistradong miyembro ng mga saklaw na pangunahing serbisyong pangkalusugan, alinsunod sa mga patakaran ng programa.

Bilang vice chair ng Senate Committee on Health, sinabi ni Go na bunga ng pagtutulungan ng mga mambabatas, DOH at mga lokal na pamahalaan ang pondong nagbigay-daan sa pagtatayo ng mahigit 700 Super Health Center sa buong bansa, kabilang ang 11 sa Davao City.

Ang pasilidad sa Barangay Tibungco ang ikalimang Super Health Center na kamakailan lamang na-turn over sa Mindanao. Nauna rito ang mga pasilidad sa Malabog, Davao City noong Oktubre 21; Mulig, Davao City noong Oktubre 22; Baganga, Davao Oriental noong Oktubre 24; at Valencia City noong Oktubre 26.

Nagpasalamat din si Go sa mga lokal na lider at sa pamilya Duterte sa kanilang suporta, na aniya ay naging mahalaga sa kanyang pagkakapanalo bilang nangungunang senador sa Davao City noong 2025 elections.

“Gusto lang nako pagpasalamat sa inyong tanan ilabi na sa pamilya Duterte gikan kay Tatay Digong sauna pa man, padulong kay Mayor Baste Duterte, VP Inday Sara Duterte, kay Congressman Pulong. Dili ko mahimong number one Senator katong 2025 election kung dili tungod sa ilahang suporta ug pagpangampanya sa amo,” pahayag niya.

(Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat lalo na sa pamilya Duterte mula kay Tatay Digong noon pa hanggang kay Mayor Baste Duterte, VP Inday Sara Duterte at kay Cong. Pulong. Hindi ako magiging number one senator noong 2025 dito sa Davao kung hindi dahil sa pagsuporta sa akin at pagkampaniya sa amin.)

Ibinahagi rin niya ang payo sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Si Tatay Digong sauna dili siya manghilabo basta ang iya lang gi tugon, ‘just do what is right’ at hinding-hindi ka magkakamali,” aniya.

(Si Tatay Digong noong hindi talaga sya nakikialam sa amin basta magtrabaho lang kami ang kanya lang paalala just do what is right gawin mo lang ang tama hindi ka magkakamali.)

Sinabi ni Go na naging gabay niya ang aral na ito sa pagbisita sa mga komunidad na naapektuhan ng sunog, baha, lindol at iba pang sakuna, tulad ng ginagawa noon ni Duterte noong nasa lokal na pamahalaan pa ito.

“Ako ning natun-an. Mangutana sila, ngano man ka muadto sa mga sunog, lindog, baha, nasunugan? Kay ingana man sauna sa lokal si Tatay Digong. Gidala niya sa Maynila, sa national ug dili namo maagwanta na maglingkod lang sa opisina samtang naay mga kababayan nga nanginahanglan,” dagdag niya.

(‘Yan ang aking natutunan kaya nagtataka sila bakit ka pumupunta sa mga nasunugan, baha, lindol, putok ng bulkan dahil ganyan pa man noon sa local si Tatay Digong dinala niya sa Maynila sa national at hindi ko matiis na nakaupo lang sa opisina habang nangangailangan ng tulong ang mga kababayan nating Pilipino.)

Namahagi rin si Go at ang kanyang Malasakit Team ng mga food pack, meryenda, damit, bolpen, pamaypay, basketball at volleyball sa mga dumalo. Ilan sa mga benepisyaryo ay nakatanggap din ng relo.

Nagbigay rin siya ng wheelchair kay Lemuel Cabrera, isang person with disability, upang matulungan sa kanyang paggalaw. Nakatanggap naman ng saklay ang isa pang pasyenteng si Jhanny Fabiana.

Pinasalamatan din ni Go sina Mayor Sebastian Duterte, Vice Mayor Rodrigo Duterte III, mga konsehal na sina Richly “Che-che” Justol, Danilo Dayanghirang, Ralph Abella, Enzo Villafuerte at Trisha Villafuerte, gayundin si Barangay Tibungco Captain Merhade Calvo at iba pang lokal na opisyal.

Sa araw ding iyon, dumalo si Go sa blessing at turnover ng Community Rehabilitation Center for Stroke Patients na matatagpuan sa tabi ng bagong bukas na Super Health Center. Inaasahang magpapalawak ang dalawang pasilidad sa serbisyong medikal at rehabilitasyon para sa mga residente ng Davao City.

“Ako ang inyong Senator Kuya Bong Go patuloy na magseserbisyo sa inyong lahat dahil ako ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo yan sa Diyos. Maraming salamat at mahal namin kayong lahat,” pagtatapos niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here