Home OPINION SINONG HINDI MAGPA-PANIC?

SINONG HINDI MAGPA-PANIC?

4
0

SABI ni Pangulong Bongbong Marcos, huwag mag-panic, huwang mabahala sa pagbagsak ng piso laban sa dolyar ng mga Kano.

Organic ang pagbagsak…normal…bahagi ng galaw ng merkado…inaasahan.

‘Yan ang kahulugan na nais ni Marcos na ipaabot sa sambayanan.

Sa parte ni Marcos na may yamang bilyon-bilyong piso, walang anoman ang pagbagsak ng piso dahil hindi niya maramdaman ang masamang bunga nito.

Pero kung nag-aanunsyo na ang mga kompanya ng kuryente na tataas ang presyo rito dahil sa mababang halaga ng piso, nakababahala o nakapa-panic na ‘yan sa milyon-milyong mamamayan.

Kapag nagdagdag ang mga importer ng bigas ng puhunan para matumbasan nila ang dolyar na kinakailangan sa importasyon, magmamahal din ang bigas pagdating nito sa Pilipinas.

Sino ang hindi magpa-panic sa mahal na bigas, lalo napakahirap namang hagilapin ng P20/kilong bigas.

Ayon sa mga bangko, dahil sa pagbagsak ng piso, ang dating P1,000 noong 2018 ay nagkakahalaga na lang ngayon ng nasa P700.

Kapag mamalengke ka para sa pagkain at iba pang mga pangangailangan sa bahay, malaki-laking supot ang kailangan mo para maikarga mo ang iyong binibili sa halagang P1,000 noong 2018.

Ngayon? Todo-reklamo na ang higit na nakararami na kakaunti na lang ang nabibili nila, kahit sa palengke.

Kung may medyo mura-mura man sa mga mall o grocery na mga pang-Noche Buena at pang-Medya Noche, kinabukasan, mga expired na,.

Sino ang hindi magpa-panic niyan?

Kapag iniiwasan na ng mga negosyanteng lokal at dayuhan ang magtayo ng negosyo sa Pinas dahil sa lalong tataas na gastos sa kuryente at presyo ng mga pangangailangan nila sa pagbagsak ng piso, magiging matumal din ang empleyo at mga kalakip na pagkakitaan.

Sino ang hindi magpa-panic dyan?

At kung ang inaatupag ng mga nagsasabing “huwag mag-panic”, eh pananatili sa pwesto upang magpayaman, kahit magkandaletse-letse ang lahat, sino ang hindi magpa-panic?

Mga anak kayong mabantot pa sa paniki!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here