Home NATIONWIDE Kooperasyon sa sektor ng paggawa, pinagtibay ng DOLE, Papua New Guinea

Kooperasyon sa sektor ng paggawa, pinagtibay ng DOLE, Papua New Guinea

4
0

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Papua New Guinea ang kanilang kooperasyon sa sektor ng paggawa sa pulong nina Secretary Francis Tolentino at Ambassador Stephen Pokanis noong Oktubre 29 sa Maynila.

Tinalakay sa pulong ang panibagong kasunduan na papalit sa napasong memorandum of agreement (MOA) noong 2024. Pagtutuunan nito ang skills development, training, labor market information at green jobs, kabilang ang pagpapalitan ng kaalaman at expertise.

Binigyang-diin ni Tolentino ang pagpapalakas ng kooperasyon sa sektor ng pangingisda at ang mga programa ng DOLE, gaya ng Maritime Labor Affairs Office at Trabahong Dagat Program, para sa proteksyon ng mga manggagawa.

Ayon kay Tolentino, ginagamit din ng DOLE ang visitorial power nito sa mga fishing vessel upang matiyak ang pagsunod sa general labor standards at mga kinakailangan sa occupational safety and health.

Alinsunod ang hakbang sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang mga international partnership para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here